Ayon kay Sinas, ito ay maliban na lamang kung may utos mula sa PNP chief o kay Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay pansamantala muna mag-leave.
Naninindigan din si Sinas na walang mali sa naganap na “mañanita” dahil tiniyak naman nilang nasusunod ang social distancing sa kasagsagan ng event.
May 8 nang idaos ang selebrasyon para sa kaarawan ni Sinas.
Ang mga larawan ng naturang event ay ibinahagi sa official Facebook Page ng NCRPO pero kalaunan ay binura din ang posts.
Gayunman, bago pa mabura, marami na ang nakapag-grab ng mga larawan.