Ilang pamilya sa Guinobatan, Albay dinala na sa mga evacuation center

Ilang pamilya na ang inilikas sa bayan ng Guinobatan sa Albay.

Ito ay dahil sa inaasahang pagtama ng Typhoon Ambo na makaapekto sa lalawigan ng Albay.

Ang mga pamilyang naninirahan sa high-risk areas ay sinimulan nang ilikas at dinala sa mga paaralan.

Binawasan ang bilang ng mga pamilyang mamamalagi sa isang silid-aralan upang masiguro ang pagkakaroon ng social distancing.

Sa isang silid-aralan sa eskwelahan sa Guinobatan, walong pamilya ang namamalagi.

Ihihiwalay din ng silid-aralan ang mga evacuees na may edad na para maiwasang malantad sila sa sakit.

 

 

 

 

Read more...