Pangunguna ng Pilipinas sa mga bansang hindi maganda ang pagresponde sa COVID-19 binalewala lang ng Malakanyang

Photo grab from PCOO Facebook video

Ipinagkibit-balikat lamang ng palasyo ng Malakanyang ang ulat ng ncoronavirus.org na isa ang Pilipinas sa “Worst Performing ASEAN Countries” kaugnay sa pagtugon sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi niya alam kung saan nanggaling ang ncoronavirus.org

Sinabi pa ni Roque na mas pinaniniwalaan ng malakanyang ang ulat ng Toluna Study Blackbox ng Singapore na nagpapakita na nasa ikaanim na pwesto ang Pilipinas sa pinakamagaling na mag responde sa buong daigdig sa COVID-19.

Mas kapani-paniwala aniya ang Singaporean study kaysa sa ncoronavirus.org.

Ayon sa ulat ng ncoronavirus.org, nangunguna ang Pilipinas, Singapore at India sa mga bansa na hindi maganda ang pagresponde sa COVID-19.

 

 

 

 

Read more...