Ayon kay APSEMO chief Cedric Daep, mayroong 80,000 pamilya o 400,000 katao sa lalawigan na naninirahan sa low-lying areas, tabing-dagat na prone sa pagbaha at mga bulubunduking lugar na prone naman sa pagguho ng lupa.
Inatasan ang local disaster officials na sundin ang evacuation at health protocols sa gagawing paglilikas sa mga residente.
May mga paiiraling pagbabago sa evacuation areas lalo ngayong mayroong banta ng COVID-19 sa bansa.
Sa 8am weather bulletin ng PAGASA ay nakataas na ang signal number 3 sa Sorsogon at eastern section ng Albay.