Sa ngayon ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) inilalatag pa nila ang guidelines para sa karagdagang 5 milyong pamilyang beneficiaries.
Sinabi ni Social Welfare and Development Usec. Glen Paje sa panayam ng Radyo Inquirer na kailangan aniyang dumaan sa masusing validation para matiyak na pawang karapat-dapat na pamilya talaga ang makatatanggap.
May tsansa aniya na mapasama sa 5 milyong dagdag na beneficiaries ang mga pamilyang naghain ng apela sa local social welfare office nila.
Samantala, sinabi ng DSWD na kung ang lugar ay malilipat na sa pag-iral ng general community quarantine, ang mga pamilyang tumanggap ng ayuda ay hindi na makaaasa ng second tranche.