Ang nasabing halaga ay naipamahagi na sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DSWD Usec. Glen Paje, 16.1 milyon na pamilya na ang tumanggap ng cash assistance.
Sa ngayon ay mayroon na lamang na 1.9 milyon na pamilya pa ang nasa proseso pa ng payout.
Inaasahan ng DSWD na sa lalong madaling panahon ay matatapos na ang pamamahagi ng pondo.
Ito ay para makumpleto na ang pagbigay ng ayuda sa 18 milyong pamilyang inisyal na target ng SAP.
Kasunod nito ay humingi ng pang-unawa si Paje sa mga pamilya, partikular sa mga hindi napasama sa listahan pero karapat-dapat na makatanggap.
Maari aniyang umapela ang mga pamilyang ito upang magawan ng solusyon ang kanilang hinaing.