Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon muling nabawasan sa magdamag

Muli pang nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 187.75 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (May 14) mas mababa sa antas nito kahapon na 187.99 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 76.02 mas mababa sa antas nito kahapon na 76.08 meters habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.03 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 100.00.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, San Roque at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga, Pantabangan at Magat dams.

 

 

Read more...