Lockdown sa Washington pinalawig pa

Pinalawig pa ang pag-iral ng lockdown sa US Capital na Washington.

Sa halip na hanggang May 15 ay pinalawig pa hanggang June 8, 2020 ang lockdown.

Ayon kay Mayor Muriel Bowser, hindi pa nakikitaan ng pagbaba ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Hindi rin bumababa ang bilang ng mga naitatalang nasawi.

Maliban dito, sinabi ni Bowser na laganap pa rin ang community transmission ng COVID-19.

Ganito pa rin ang paglaganap ng kaso ng COVID-19 sa Maryland at Virginia na kalapit na lugar ng Washington.

 

 

 

 

Read more...