Tiniyak ng Malakanyang na babawiin ng economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dagdag na 10 percent tax sa oil import kapag tumaas ang presyo ng pangunahing bilihin.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang executive Order 113 para taasan ang buwis ng imported na produktong petrolyo para makalikom ng pondo at magamit sa mga programang pangontra sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mahigpit na minomonitor ngayon ng economic team ni Pangulong Duterte ang ipinataw na bagong buwis.
Kapag aniya sumipa ang presyo ng mga langunahing bilihin awtomatikong aalisin na ito.
Malinaw naman aniya na sa una pa lamang temporary excise tax lamang ang inaprubahan ni Pangulong Duterte.
Una rito, humirit ang Bayanmna kay Pangulong Duterte na tanggalin ang dagdag buwis sa pangambang magdulot lamang ito ng dagdag pahirap sa taong bayan.