Mahigit 100 pang OFWs nakauwi na sa bansa

Dumating sa bansa Miyerkules (May 13) ng gabi ang mahigit isangdaan pang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinabibilangan ito ng 45 OFWs na mula sa shelter wards ng embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi.

Gayundin ang 73 pang seafarers na pawang crew ng MV Azamara Quest mula UAE.

Sa mga susunod na araw mayroon pa ring mga OFWs na uuwi sa bansa.

Sila ay ang mga nagpa-repatriate kasunod ng epekto ng COVID-19 sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan.

 

 

 

 

Read more...