Cagwait, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 15 kilometers Northeast ng Cagwait, alas-5:10 madaling araw ng Huwebes (May 14).

May lalim na 47 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...