Marcos, pumantay na kay Escudero sa Vice Presidential survey

Bong cizPatas na sa top spot sina Senator Bongbong Marcos at Senator Chiz Escudero sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ang dalawa ay kapwa nakakuha ng 26% na rating mula sa 1,200 respondents nationwide na tinanong sa survey na isinagawa noong Febaruary 5 hanggang 7.

Ito ang unang pagkakataon na may nakasama sa top spot ng survey si Escudero simula nang umpisahan ng SWS ang kanilang pagsasagawa ng pre-election survey noong Setyembre.

Nakitaan din ng pagbaba ang rating ni Escudero mula sa 30% noong Nobyembre at Disyembre at 28% noong Enero.

Si Camarines Sur Rep. Leni Robredo naman ang nasa ikatlong pwesto na may 19% mula sa 17% noong Enero, sumunod si Senator Alan Peter Cayetano na may 16% mula sa 14% noong Enero.

Si Senator Gringo Honasan naman ang pang-lima na nakakuha ng 6% mula sa 8% noong nakaraang buwan at pang-anim si Senator Antonio Trillanes IV na nakakuha ng 5% mula sa 3%.

Narito naman ang top 10 sa senatorial survey:

Sen. Vicente Sotto III – 52%
former senator Panfilo Lacson – 49%
Sen. Ralph Recto – 46%
former senator Francis Pangilinan – 42%
Senate President Franklin Drilon – 40%
former senator Juan Miguel F. Zubiri – 38%
Sen. Sergio Osmeña III – 37%
Sarangani Rep. Manny Pacquiao – 35%
former justice secretary Leila de Lima – 35%
former Akbayan Rep. Risa Hontiveros – 27%

Ang iba pang senatoriables na nakakuha ng mataas ding rating ay sina:

Sen. TG Guingona III – 26%
former senator Richard Gordon – 26%
Sherwin Gatchalian – 23%
Joel Villanueva – 22%

Read more...