Bagaman bumaba ang kaniyang kalamangan, nangunguna pa rin si Vice President Jejomar Binay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa isinagawang survey noong February 5 hanggang 7, nasa 1,200 na mga botante sa iba’t ibang panig ng bansa ang tinanong.
Nakakuha si Binay ng 29% na mas mataas na lamang ng limang puntos sa 24% na nakuha nina Senator Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Si dating interior secretary at LP bet Mar Roxas ay nasa ika-apat na pwesto at nakakuha ng 18% na tatlongpuntos na mas mababa kumpara noong January survey.
Habang si Senator Miriam Defensor-Santiago ng People’s Reform Party ay nakakuha ng 4%.
Ang mga respondents sa isinagawang survey ay tinanong “kung sino malamang ang kanilang iboboto kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon?