Mga jeepney driver sa Sta. Rosa, Laguna nagsimula nang makatanggap ng ayuda

Nagsimula nang makatanggap ng tulong-pinansiyal ang mga jeepney driver sa Sta. Rosa, Laguna araw ng Miyerkules (May 13).

Ayon sa pamahalaang lungsod ng Sta. Rosa, nabigyan na ang mga jeepney driver ng P1,500 na cash aid.

Kabilang dito ang mga sumusunod na barangay:
– Aplaya
– Dila
– Ibaba
– Labas

Nasa 501 benepisyaryo ang makatatanggap ng nasabing ayuda.

Tinatayang aabot sa P751,500 ang ilalaang pondo para sa cash assistance sa jeepney drivers.

Read more...