Bago yan, Lunes namang nang pumanaw si Ambassador at Rep. Roy Señeres habang patuloy namang nakikipaglaban si Sen. Miriam Defensor Santiago sa sakit niyang cancer.
Dahil dito, uminit ang health issue sa iba pang presidentiable.
Sa ngayon, ang sumagot sa hamon ng pagbubukas ng health records ay sina Vice President Jejomar Binay, Sen. Grace Poe at former Interior Sec. Mar Roxas.
Kahit noong 2010 elections, hindi naman inilabas ni Pangulong Aquino ang kanyang medical records bagamat may nagsasabi na meron siyang Asperger’s syndrome. Pero, tingnan niyo naman, makakatapos na siya sa kanyang termino sa Hunyo 30.
Sa totoo lang, wala namang batas na kailangang isapubliko ng kandidato ang kanyang kalusugan. Naalala niyo ba ang ubod ng lakas na si Pangulong Ramon Magsaysay? Nanalo noong 1953 pero namatay sa sinakyang eroplano noong 1957.
Marahil ang sagot sa health issue ay “succession rule” kung saan ang Bise Presidente ang papalit, kaya’t napakaimportante ng pagpili natin sa vice president.
Noong 2004 polls, kung saan “nadaya” si “Pangulong” FPJ. Swerte na sana si VP Kabayang Noli de Castro dahil namatay sa atake sa puso si Da King pitong buwan matapos ang halalan.
Pero ngayon, mahirap pumili ng kandidato dahil lahat sila ay maraming isyu na kinakaharap.
Hinahanap ng taumbayan ang lider na “agad na aaksyon” sa mga problema ng bansa. Ayaw ng tao ng “on the job training” o bubuo ng “student council” sa kanyang pamamahala.
Ayaw ng tao ng “elitistang gobyerno.” Gusto ng mga ito yung makatao, may malasakit sa mahihirap, la-laban sa kriminalidad at ipatitigil ang korapsyon sa pamahalaan.
Si Sen. Miriam Defensor Santiago, “health issue” rin ang problema at siyempre ang walang kamatayang akusasyon na siya ay “Brenda” at ang “shady activities” daw ng asawa nitong si Jun Santiago.
Ito namang si Mar Ro-xas, may image problem, ugaling “cacique” o “haciendero,” “incompetent,” teka-teka, “analysis by paralysis” at pagpapatuloy lamang ng “Tuwid na daan” ni PNoy.
Hindi makalimutan ang Yolanda, Zamboanga, at ang napakaraming “corrupt” na kaibigang pi-nuwesto niya sa DOTC lalo na sa nawindang na MRT3.
Si VP Binay ay traditional na pulitiko, may political dynasty sa Makati at binansagang “corrupt” ng 25 hearings sa Senate Blue ribbon sub-committee.
Sa kabila ng napakaraming alegasyon laban sa kanya, hindi plunder ang ikinaso sa kanya. Kulang kaya ang ebidensya sa “plunder” at “bailable” ang isinampang kaso?
Si Poe ay ex-American Citizen, hindi raw kwalipikadong maging president; kulang din sa “executive ability” at “puppet” o secret candidate” ni PNoy.
At ang kanyang mga anak at asawa ay mga American citizen pa rin habang nag-aaplay pa sila ng citizenship dito.
Si Duterte ay hirap makabangon mula sa pagmumura niya kay Pope Francis. Naka-self destruct mode daw ito at habang nagsasalita ay lalong pumapalpak.
Iba-iba ang sinasabi. Nandyan din ang isyu ng human rights violation. Para raw kandidato ng baranggay kung mangampanya at hindi bilang lider ng bansa.
Sa Hulyo 1, isa mga kandidatong ito ang uupo sa Malakanyang. Alam kaya niya ang trabaho? Pagbabago ba o Tuwid na daan pa rin?
Para sa komento, mag-text sa 09178052374 o kaya ay mag-email sa inquirerbandera2016@gmail.com