39 pang pulis, nagpositibo sa COVID-19

Nadagdagan nang 39 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa monitoring report hanggang May 13, sinabi ng PNP Health Service na umabot na sa 179 confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 118 ang aktibong kaso na dumadaan sa supportive healthcare ng PNP doctors.

Sa 118 active cases, 91 pasyente ang nananatili sa quarantine facilities, anim sa mga ospital habang 21 PNP personnel ang nakasaillaim sa home quarantine.

Pinaigting din ang mass testing sa mga pulis na nagsisilbi ring frontliners.

Dahil dito, sinabi ng PNP Health Services na asahang tataas pa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa pambansang pulisya sa mga susunod na araw.

Samantala, 638 na pulis ang itinuturing na probable case habang 390 ang suspected cases.

57 naman ang naka-recover habang apat ang pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.

Read more...