Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,122

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (May 13, 3:00 PM) pumalo na sa 1,122 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 239
Laguna – 338
Batangas – 122
Rizal – 350
Quezon – 73

Nasa 388 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 11 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 83
Laguna – 112
Batangas – 57
Rizal – 91
Quezon – 45

Nadagdagan naman ng 4 ang bilang ng nasawi kaya’t umabot na sa 128 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 26
Laguna – 30
Batangas – 19
Rizal – 46
Quezon – 7

Read more...