(updated)
Sa abiso ng mga oil companies, posibleng umabot sa halos P2.00 ang ibabawas sa presyo ng gasolina.
Tinatayang maglalaro sa P1.50 hanggang P1.75 ang ibabawas sa kada litro ng gasolina.
Habang sa presyo naman ng kada litro ng diesel, tinatayang nasa P0.60 hanggang P0.75 ang mababawas.
May rollback din sa presyo ng kerosene na aabot sa P0.80 hanggang P0.90 kada litro.
Unang nag-anunsyo ng rollback epektibo bukas ng umaga ang kumpanyang Shell.
Ayon sa Shell, alas 6:00 ng umaga bukas, babawasan nila ng P1.40 kada litro ang presyo ng gasolina, P.70 ang presyo ng kada litro ng diesel at P.90 naman ang bawas sa kada litro ng kerosene.