Ayon kay Philippine Ambassador to Qatar, Wilfredo Santos, ang mga naapektuhang OFWs ay binigyan ng two-month notice of termination para mabigyan silang pagkakataon na makahanap ng ibang trabaho.
Ayon kay Santos, malaki ang epekto ng pagbagsak ng halaga ng krudo sa world market sa mga OFWs sa Qatar dahil ang nasabing bansa ay major producer ng natural gas.
Sa kabila nito, marami pa rin naman sa mga OFWs sa Qatar ang hindi apektado dahil hindi naman sa langis lang nakadepende ang income ng nasabing bansa.
Sa datos, aabot sa 200,000 na mga pinoy ang nagta-trabaho sa Qatar.
Ayon kay Santos, wala pa namang pribadong kumpanya na nagpatupad ng retrenchment sa bansa.
Sa kabila ng retrenchment, marami pa rin aniya ang job opportunities para sa mga skilled workers gaya ng architects, engineers, pharmacists at health-care professionals.