Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (May 13), 11,618 na ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa.
268 ang panibagong napaulat na kaso sa nakalipas na 24 oras.
Sa 268 na bagong kaso, 165 o 61 porsyento ay naitala sa National Capital Region, 58 o 22 porsyento sa Region 7 habang 45 o 17 porsyento sa iba pang lugar.
21 naman ang bagong nasawi dahilan kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 772 na.
Sinabi pa ng DOH na 145 ang gumaling pang pasyente sa bansa na may kaugnayan sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, nasa 2,251 na ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES