Ang Filinvest Tent ‘We Heal As One Center’ ay inayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) katuwang ang pribadong sektor.
Pormal nang nai-turnover ang 108-bed quarantine center sa Office of Civil Defense (OCD) at Bureau of Fire Protection (BFP)
Ito ay matapos ang isinagawang inspeksyon ni National Action Plan Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. kasama si Health Secretary Francisco Duque III, DPWH Undersecretary at Head of Task Force for Augmentation of Health Facilities Emil Sadain, OCD Administrator Ricardo Jalad, at BFP Chief Jose Embang Jr.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang Filinvest Tent ay ika-siyam na mega quarantine facility na inihanda ng gobyerno katuwang ang pribadong sektor.
Nag-sponsor aniya ang Filinvest City Foundation para sa construction materials na ginamit sa redesigning at transformation ng Filinvest Tent para maging quarantine facility.