Birthday party ni Maj. Gen. Sinas pinaiimbestigahan ni PNP Chief Gamboa

Inatasan ni Police General Archie Francisco Feranil Gamboa ang Internal Affairs Service na imbestigahan ang pagdaraos ng birthday party ni National Capital Region Police Office chief, Major General Debold Sinas.

Partikular na iniutos ni Gamboa ang pag-iimbestiga sa umano ay paglabag sa quarantine protocols sa event.

Ito ay matapos lumabas sa social media ang mga larawan sa ginawang birthday party ni Sinas kung saan marami ang dumalo.

Malinaw na ito ay paglabag sa pagbabawal sa mass gathering.

Iniutos ni Gamboa sa PNP – IAS na magpadala ng intestigation team sa NCRPO para magkasa ng formal inquiry.

 

 

Read more...