LOOK: Pagpapatuloy ng SAP distribution sa Brgy. San Isidro sa Rodriguez, Rizal

Nagpatuloy ngayong araw ang pamamahagi ng cash assistance sa Barangay San Isidro sa Rodriguez, Rizal sa ilalim ng Social Amelioration Program ng pamahalaan.

Ang Barangay San Isidro at Barangay San Jose ang natitirang dalawang barangay sa Rodriguez na hindi pa nakakatapos sa pamamahagi ng tulong-pinansyal.

Ito na rin ang ikatlong araw na pagpila ng mga residente.

Noong Lunes pumila sila para sa SAP form, Martes para sa validation at interview at ngayong araw para sa payout.

Ang Barangay San Isidro ay mayroong 13,586 na beneficiaries ng SAP.

Dahil tensyonado na ang sitwasyon at mataas na ang emosyon ng mga residente bunsod ng tatlong sunud-sunod na araw na nang pagpila para sa ayuda, nagdagdag na ng pwersa ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Army (PA) sa lugar.

Read more...