Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 360 kilometers East ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.
Muling bumagal ang kilos ng bagyo at halos hindi gumagalaw sa direksyong northwest.
Mas marami na ngayon ang mga lugar sa samar na nakasailalim sa tropical cyclone wind signal ng PAGASA.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
Northern portion ng northern Samar
– Calbayog
– Sta. Margarita
– Gandara
– Matuguinao
– Pagsanghan
– San Jorge
– San Jose De Buan
– Tarangnan
– Catbalogan City
– Jiabong
– Motiong
– San Sebastian
– Paranas
– Hinabangan
northern portion of Eastern Samar
– Jipapad
– Arteche
– Maslog
– Oras
– San Policarpio
– Dolores
– Can-avid
– Taft
– Sulat
– San Julian
Ang bagyo ay naghahatid na ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Eastern Visayas.
Bukas uulanin na rin ang Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate.
Ayon sa PAGASA, lalakas pa ang bagyo habang papalapit sa Eastern Visayas at Bicol Region area.