Local airlines nag-anunsyo na ng flight suspensions hanggang May 31

Dahil iiral pa rin ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila ay nag-anunsyo na ng flight suspensions ang ilang local airlines hanggang sa May 31.

Ayon sa abiso ng Cebu Pacific lahat ng kanilang domestic at international flights ay mananatiling suspendido hanggang sa katapusan ng buwan.

Ganito rin ang abiso ng SkyJet Airlines para sa kanilang domestic flights.

Ang mga apektadong pasahero ay maaring magpa-rebook ng flight nang walang charge, maaring ilagay sa travel fund ang halaga ng ibinayad sa ticket o ‘di kaya naman ay maaring mag-refund.

Ayon sa Cebu Pacific ang mga customer nila na mayroong naka-book na flights sa pagitan ng June 1 hanggang September 30 ay pwede na ring magpapalit ng kanilang travel dates.

 

 

Read more...