10,000 residente ng Metro Manila nag-enroll para sa “Balik Probinsya” program ng pamahalaan

Influencer Award: The Wind Farm That Creates Jobs for the Locals by Klienne Eco

Mayroon nang 10,000 residente ng Metro Manila ang naghayag ng kagustuhang mag-avail sa “Balik Probinsya” program ng pamahalaan.

Ayon kay National Housing Authority (NHA), General Manager Marcelino Escalada Jr., simula nang ilunsad ang programa noong May 6 ay 10,000 na ang nakapag-enroll.

Karamihan aniya sa mga gustong umuwi ay pawang residente ng Leyte, Bohol, Samar, at Camarines Sur.

Ang mga online applicant ay sasailalim sa validation at aalamin din sa kanila kung anong uri ng livelihood ang nais nilang ipursige pagbalik ng lalawigan.

Mahalaga din ang pakikipag-ugnayan sa mga provincial local government units (LGUs) para sa mga babalik na sa kanilang probinsya.

 

 

 

 

Read more...