Region 2 COVID-19 free na muli

Wala nang aktibong kaso ng COVID-19 sa Region 2 o Cagayan Valley Region.

Ito ay matapos na gumaling na ang dalawang natitira pang pasyente ng COVID-19 sa rehiyon.

Unang kinumpirma ni Cagayan Valley Medical Center (CVMC) Chief Dr. Glenn Baggao na negatibo na sa virus ang health worker na nasa ospital.

Sa resulta ng second swab test ay negative na sa COVID-19 si PH 8631 na residente ng Caggay, Tuguegarao City.

Sa kabuuan, wala nang confirmed positive case sa lalawigan ng Cagayan.

Sumunod na kinumpirma ng DOH-RESU na nag-negatibo na sa COVID-19 si PH 8638 na mula sa Brgy. Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya na nasa pangangalaga ng Region 2 Trauma Medical Center R2TMC.

Mahigit dalawang linggo na rin na walang naitalang bagong kaso ng virus sa lalawigan ng Isabela simula nang nag-negatibo ang dalawang health worker doon.

Sa kabuuan ay wala nang confirmed case sa Region 2.

Ang Region 2 ay nakapagtala ng 34 na confirmed COVID cases, 33 dito ang gumaling at 1 ang nasawi.

 

 

 

 

 

Read more...