Ayon kay Villar dapat sa pinakamabilis na panahon ay makabalik sa trabaho o magkaroon ng trabaho ang mga Filipino dahil aniya prayoridad na ito ngayon kasunod ng kalusugan at kaligtasan ng mamamayan.
Unang sinabi ni Diokno na sa pagtahak ng bansa sa ‘New Economy’ dapat ang isa sa mga agad gawin ng gobyerno ay magbigay ng trabaho sa mamamayan para sila ay may gastusin naman.
Sinabi rin ni Diokno na makakaya ng gobyerno na magkaroon ng supplemental budget na isa hanggang dalawang porsiyento sa 2020 national budget na may katumbas ng P200 bilyon hanggang P400 bilyon.
Ang halaga aniya ay maaring magamit sa emergency employment program para sa dalawang bilyon mabubuksan na trabaho.
Una na rin inirekomenda ni Villar ang pagbubukas ng labor-intensive sector tulad ng agrikultura, construction at manufacturing para maiwasan na magkaroon ng kaguluhan dahil sa pagkalam ng sikmura ng masa.
Katuwiran ng senadora marami na sa ating mga kababayan ang inip na inip nang mag-trabaho para kumite at hindi na maghintay sa ayuda.