Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, Department of Health Region IV-A director, sa halip ay irerekomenda na lamang nila sa pamahalaan na maisailalim sa modified ECQ ang ilang bahagi ng lalawigan.
Karamihan kasi sa mga kaso ng COVID-19 sa Laguna ay nasa una at ikalawang distrito lamang.
Ang 3rd at 4th district ng Laguna ay maituturing lamang na “low-risk” sa COVID-19.
Una nang sinabi ng Inter Agency Task Force na ang mga local na pamahalaan ay mayroong hanggang ngayong araw May 13 para iapela ang klasipikasyon ng kanilang lugar.
Sa kaniya namang pahayag sinabi ni Laguna Gov. Ramil Hernandez na hindi ang Laguna ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.
Pero bilang “good leader” at “good follower” ay hindi siya magrereklamo sa pasya ng IATF at susundin na lamang ang utos nito.
Nanawagan si Hernandez sa mga residente na sa sa halip na mayamot o mainip ay magtiwala na lang sa mga desisyon ng otoridad at sumunod pa rin sa lahat ng patakaran.