Nagdaos na ng pulong ang Albay Public Safety and Emergency Management Office – Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (APSEMO-PDRRMO) para alamin ang mga paghahanda sa magiging epekto ng bagyo.
Ang pulong ay pinangunahan ni Albay Public Safety and Emergency Management Office head, Dr. Cedric Daep.
Sa ginawang pulong, tinalakay ang pagpapatupad ng COVID-19 protocols kung sakaling may mga ililikas na residente.
Kabilang sa napag-usapan ang paghihiwalay sa mga evacuee na maysakit at senior citizens.
Ang mga evacuation center na ginagamit bilang quarantine facilities ay hindi gagamitin bilang typhoon evacuation.
Dapat masunod pa rin ang social distancing at dapat magsuot ng mask sa evacuation centers.
Ang bawat evacuation room ay dapat mayroon lamang maximum na apat na pamilya.
Sa forecast track ng PAGASA sa Biyernes ng umaga ay nasa bahagi na ng Legazpi City, Albay ang bagyong Ambo.