Global death toll ng COVID-19 mahigit 290,000 na

Sumampa na sa mahigit 290,000 ang COVID-19 related deaths sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa pinakahuling datos ay mahigit 292,000 ang ang nasawi sa COVID-19 mula sa mga bansa sa mundo na apektado nito.

Ang naitala namang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay umabot na sa mahigit 4,337,000.

Sa nasabing bilang, mahigit 2,447,000 pa ang aktibong kaso kung saan mahigit 46,000 ang nasa serious o ‘di kaya naman ay critical condition.

Mayroon namang mahigit 1,596,000 na mga pasyente ang naka-recover sa sakit.

 

 

Read more...