Dinakip si Ronald Quiboyen sa Boracay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP.
Si Quiboyen ay nag-post sa kaniyang social media na dodoblehin niya ang P50 million at gagawin niyang P100 million ang pabuya sa makapapatay kay Duterte.
Binanggit pa niya sa kaniyang post na siya ay nasa Boracay.
Kasong inciting to sedition sa ilalim ng Article 142 ng Revised Penal Code ang isinampa laban kay Quiboyen.
Kahapon, isang 25 anyos na guro sa Zambales ang dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation.
Ito ay matapos na mag-post din sa kaniyang social media na magbibigay siya ng P50 million sa sinumang makapapatay kay Duterte.