8 healthcare worker, 1 OFW gumaling sa COVID-19 sa Baguio

Siyam na pasyente ang na-discharge na sa Baguio General Hospital & Medical Center matapos gumaling sa COVID-19.

Ang naturang mga pasyente na naka-recover sa sakit ay kinabibilangan ng walong healthcare worker at isang OFW.

Nagsagawa naman ng send-off rites ang mga opisyal ng ospital sa pangunguna ni Medical Center Chief Dr. Ricardo Runez Jr. para sa mga na-discharge na pasyente.

Kabilang sa mga naka-recover na pasyente at ang doktor na si Dr. Elizabeth Macli-ing Solang, encoder ng ospital na si Ana Paola Ortiz, nurse na si Merril Cadag, nursing attendant na si Marissa Mendoza, at isa pang nurse na si Herwin Siong.

Ang iba pang pasyente ay tumangging ipabanggit ang kanilang pangalan.

 

 

 

Read more...