Sunog sa isang warehouse sa Taguig na nagsimula kahapon, ngayong umaga lang naideklarang under control

Ngayong umaga na naideklarang under control ang sunog sa isang warehouse sa Taguig City.

Nagsimula ang sunog alas 5:15 ng hapon kahapon, May 12 sa warehouse sa Veterans Road, Bicutan, Taguig City.

Inabot ng halos 15 oras ang sunog at alas 4:31 ng umaga kanina nang maideklarang under control na.

Wala namang ibang nadamay sa sunog.

Inaalam pa din kung magkano ang halaga ng nasunog na ari-arian.

 

 

Read more...