Magnitude 4.2 na lindol, tumama sa Surigao del Norte

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang San Isidro, Surigao del Norte Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang lindol sa layong 23 kilometers Northeast ng San Isidro bandang 10:29 ng gabi.

11 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Read more...