Isa pang pasyente sa Western Visayas, gumaling sa COVID-19

Naka-recover na sa COVID-19 ang isa pang pasyente sa Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development, umabot na sa 39 ang bilang ng mga gumaling na COVID-19 patient sa rehiyon hanggang araw ng Miyerkules (May 12).

Wala namang bagong napaulat na tinamaan ng nakakahawang sakit sa Western Visayas.

Negatibo ang lumabas sa 594 na resulta ng pagsusuri sa araw ng Miyerkules.

Nanatili rin sa 10 ang mga pumanaw sa nasabing rehiyon.

Read more...