Valenzuela City, mayroon nang 144 COVID-19 cases

Umabot na sa 144 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Naitala ang nasabing bilang ng COVID-19 cases hanggang 8:00, Martes ng hapon (May 12).

Sa 144 confirmed COVID-19 cases, 103 ang aktibong kaso.

Samantala, nasa 33 pasyente sa lungsod ang naka-recover.

Nanatili naman sa walo ang pumanaw sa Valenzuela City bunsod ng nakakahawang sakit.

Read more...