20 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Maynila; Kabuuang bilang, nasa 932 na

Karagdagang 20 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Martes ng hapon (May 12), umakyat na sa 932 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 700 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng COVID-19 case sa Tondo 1 na may 181 cases.

Sumunod dito ang Sampaloc na may 125 na kaso ng nakakahawang sakit.

Samantala, 186 na ang itinuturing na probable cases sa lungsod habang 1,109 ang suspected cases.

Umakyat naman sa 146 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila at nanatili sa 86 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...