Dahil sa lumalaking problema kaugnay sa mga refugees, may panawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat.
Sa homily ni Tagle para sa pag-gunita ng National Migrants Day, aniya ay marapat lang na pakitaan ng awa at malasakit ang mga refugees dahil sa kasamaang palad, masaklap ang mga dahilan na tumutulak sa kanilang lisanin ang kanilang sariling mga tahanan.
Kabilang na aniya dito ay ang labis na kahirapan, kawalan ng katarungan, kaliwa’t kanang hindi pagkakasundo dahil sa pulitika at kultura, pati na ang mga disaster gawa ng kalikasan.
Ayon kay Tagle, karamihan pa sa mga migrants ay nagiging biktima ng human trafficking at forced labor na pawang mga bagong anyo ng pang-aapi.
Hindi naman aniya nila kagustuhang lumipat ngunit para sa oportunidad na magkaroon ng trabaho, napipilitan silang gawin ito.