38 pang Filipino sa abroad ang tinamaan ng COVID-19 – DFA

Nasa 38 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 12, 2,233 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 46 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,303 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nasa 669 na overseas Filipinos na ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, 261 na ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 668 na kaso.

Sumunod dito ang Middle East/Africa na may 643 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 529 naman ang kaso sa Americas at 393 sa Asia Pacific Region.

Read more...