BREAKING: Bilang ng gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, 2,106 na – DOH

Mahigit 100 COVID-19 patients pa ang gumaling sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa huling tala ng DOH hanggang 4:00, Martes ng hapon (May 12), 2,106 na ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa.

107 ang panibagong napaulat na gumaling sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Samantala, pumalo na sa 11,350 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos mapaulat ang karagdagang 264 na kaso.

Sa 264 na bagong kaso, 165 o 63 porsyento ay naitala sa National Capital Region, 74 o 28 porsyento sa Region 7 habang 25 o siyam na porsyento sa iba pang lugar.

Nasa 25 naman ang bagong nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 751 na.

Read more...