Burgos, Surigao del Norte nilindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang Burgos, Surigao del Norte Martes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa layong 69 kilometers Northeast ng Burgos bandang 4:11 ng hapon.

Tectonic ang origin at 9 kilometers ang lalim ng lindol.

Sinabi naman ng Phivolcs na walang naidulot na pinsala at intensities sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Read more...