Ikinasa ng mg tauhan ng Station Drug Enforcement Unit, Navotas City Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) ang operasyon sa bahagi ng Togo Street, Barangay Tangos North bandang 8:20 ng gabi.
Ayon kay Police Brig. Gen. Rolando Ylagan, director ng Northern Police District (NPD), nagresulta rin ang operasyon sa pagkakaaresto sa apat na suspek.
Nakilala ang mga suspek na sina Ronnel Ereño, 22-anyos; Randel Dela Cruz, 24-anyos; Shiela Eyana, 31-anyos; at Christopher James Aguilar, 29-anyos.
Naaresto ang mga suspek matapos magpanggap na poseur buyer ang isang tauhan ng SDEU sa operasyon.
Narekober sa operasyon ang 855 gramo ng shabu, ginamit na buy-bust money na P2,000, boodle money na P8,000, isang sling bag at eco bag.
Ang nakuhang kontrabando ay may street value na P5,814,000.
Lumabas din sa imbestigasyon na kabilang si Randel Dela Cruz sa drug watchlist.
Sa ngayon, nananatili ang mga suspek sa kustodiya ng Navotas Police Station habang hinihintay ang inquest proceedings.
Dadalhin naman ang mga hinihinalang shabu PNP-NPD CLO sa Caloocan City para sa quantitative at qualitative analysis.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.