Tanggapan ng LTO sa mga lugar na nakasailalim sa GCQ, balik-operasyon na simula sa May 13

Magbabalik-operasyon na ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine.

Batay sa abiso, sinabi ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante na magbabalik-normal ang operasyon simula sa Miyerkules, May 13.

Ngunit, patuloy pa ring hinihikayat ng LTO ang kanilang mga kliyente na sundin ng health and safety protocols na ipatutupad sa mga opisina.

Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Pagsusuot ng face mask
– Pagsunod sa physical at social distancing sa lahat ng oras
– Ang transaksyon ng mga may edad 21 pababa, 60 pataas at buntis ay papagayan lamang kapag inalis na ang community quarantine.

Read more...