Ilang lalawigan sa Luzon, makakaranas ng pag-ulan

Asahang makakaranas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 12:30 ng tanghali, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Zambales, Batangas, Quezon at Rizal.

Maliban dito, uulanin din ang Maragondon sa Cavite at Norzagaray sa Bulacan.

Sinabi ng PAGASA na iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Nagbabala ang weather bureau sa mga residente sa nabanggit na luhar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...