Sa 11AM severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 385 kilometers east ng Surigao City, Surigao del Norte.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Ngayong araw inaasahang magtataas ang PAGASA ng Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa ilang bahagi ng Eastern Visayas.
Sa susunod na mga oras ay lalakas pa ang bagyo at magiging isang tropical storm.
Sa loob ng susunod na 24 na oras ang buntot o extension ng bagyo ay maghahatid ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Mindanao.
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez sa Huwebes ng hapon o gabi ay tatama sa kalupaan sa Bicol Region ang bagyo.
Sa Biyernes naman ayon sa PAGASA ay inaasahang lalapit ng Metro Manila ang bagyo dahil ang sentro nito ay nasa bahagi na ng Alabat, Quezon.