Sa ilalim ng pag-iral ng GCQ ay iiral ang sumusunod na guidelines ayon kay Remulla:
1. Dahan dahan ang pagbukas ng ekonomiya:
– Ang mga mall ay magkakaroon ng limitadong operasyon at pagaganahin ng mahina ang aircon at wala munang free WiFi.
– Ang mga restaurant at take-out service ay papayagan na.
– Ang mga pagawaan ay dahan-dahan magbubukas.
– Ang construction industry ay magbubukas na rin.
2. Ito pa rin ang hinde pwede:
– Ang lalawigan ay nagpanukala ng lisensya para sa pagbenta ng alchoholic products. Isang buwan pa bago maging perpekto ang batas kaya ang liquor ban ay still in effect.
– Bawal pa rin ang lumabas ng walang face mask
– Bawal pa rin lumabas ng bahay ang walang quarantine pass maliban sa mga nagtratrabaho.
– Ang curfew ay mananatili para sa lahat ng 8pm-5am, maliban sa mga may valid work permit.
– Ang mga bar o inuman ay bawal pa rin mag bukas.
3. Wala pa rin pahayag ang IATF na payagan ang angkas basta magkasama sa bahay.
4. Ang patakaran ukol sa public transportation ay ilalahad pa ng IATF/DoTr/LFTRB.
5. Ang Laguna at Metro Manila ay tuloy pa rin sa ECQ. Idadaan muna namin sa usapan para sa patakaran ng galaw ng tao at produkto sa mga lugar na ito sa papasok at palabas ng lalawigan.
Dagdag ni Remulla, sa Lunes ay sisimulan na ang targeted testing sa Cavite.
Kabilang sa isasailalim sa testing ang medical doctors/nurses na Covid frontliners, PNP, at relief workers.