Pangulong Duterte nag-alok ng P2M pabuya sa makapagtuturo sa mga lider ng NPA

Nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng P2 milyon pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para sa ikaaaresto ng lider ng New People’s Army (NPA).

Sa kaniyang public address na umere Martes (May 12) ng umaga, sinabi ng pangulo na kung may makapapatay ng kumander ng NPA o makapagtuturo kung saan nagkakanlong ang isang NPA commander ay bibigyan ito ng P2 milyong pabuya.

Tiniyak ng pangulo na mapangangalagaan ang identity ng sinumang magsusumbong.

Bibigyan aniya ng ng bagong “identity” ang testigo at saka ire-relocate.

Pangangalagaan din aniya ito at pamilya nito sa ilalim ng Witness Protection Program ng gobyero.

 

 

 

 

Read more...