Calatagan, Batangas muling niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Batangas.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 23 kilometers Southeast ng Calatagan, alas-9:21 umaga ng Martes (May 12).

May lalim na 189 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...