Session hall ng Danao City hall, nasunog

 

danao city
Mula sa Google Maps

Tinupok ng apoy ang legislative building ng Danao City Hall dakong alas 7:30 kagabi.

Ayon kay Vice Mayor Ramon Durano VI, partikular na naapektuhan ng sunog ang session hall na matatagpuan sa second floor ng gusali.

Ang legislative building ay matatagpuan sa likurang bahagi ng executive building. Sumasailalim ang naturang session hall sa repairs nang mangyari ang sunog.

Wala namang iniulat na nasaktan sa nasabing insidente.

Inaalam na rin ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog.

Read more...